Mga Povedan ka-Balay! Bukas, 7 Disyembre 2023,  kami ay bibisita sa Saint Pedro Poveda College para sa huling leg ng Balay Pinoy School Caravans.

Bitbit ang dalawampung halagahan at katuwang ang Knowledge Channel Foundation, Inc., aming dadalawin ang kilalang paaralan upang ipaalam sa mas marami pang mag-aaral at Theresian students ang ating Filipino values.

At hindi lang kuwentuhan ang ating pakay! Magkakaroon din ng kantahan kasama ang budding singers na sina Angela Ken at Maki, isang maikling palabas hatid ng ventriloquist na si Carlo Magno; at ang programa ay pangungunahan ng ating Knowledge Channel host na si Marlo Mortel.

Bukas ang Balay Pinoy sa mga mag-aaral ng St. Pedro Poveda College kaya abangan ang ating mga larawan at video!

Ito ay bahagi parin ng Balay Pinoy School Caravans sa pangunguna ng NCCA Filipino Values Formation Program para sa pagdiriwang ng Filipino Values Month ngayong taon.

Kitakits mga ka-Balay!

READ MORE NEWS & EVENTS