National Heroes Day – August 26, 2024

“Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig di ka pasisiil.”
Isang pagpupugay sa ating mga makasaysayan at makabagong bayani!
Ngayong Araw ng mga Bayani, ating alalahanin, gunitain, at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipinong nag-alay at patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay at lakas para sa kalayaan at kaunlaran ng ating bansa. Sa bawat laban, tagumpay, at sakripisyo, napatunayan nila na ang Pilipinas ay hindi kailanman magpapasiil.
Nawa’y patuloy na magsilbing inspirasyon ang kagitingan ng mga bayani ng ating kasaysayan at ang pagsusumikap ng ating mga bagong bayani sa kasalukuyan. Ating isapuso at isabuhay ang mga aral na kanilang ipinamana at itinuro. Mabuhay ang ating mga bayani!
READ MORE NEWS & EVENTS