SAINT PEDRO POVEDA COLLEGE
      ...leading through commitment, innovation and service
 
 


 Buwan ng Wika at Kasaysayan 2016
Sinulat ni: Julia Cruz 6D

Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng buong Grade School Department ng Poveda ang Buwan ng Wika at Kasaysayan. Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang na ito ay "Filipino: Wika ng Karunungan at Kalinangan".


Inilunsad ang Buwan ng Wika noong Agosto 2, 2016 sa Poveda Gymnasium. Nagparada ang mga estudyante habang nakasuot ng Filipiniana. Nagkaroon din ng konsiyerto, sayawan at kantahan ang mga guro at mag-aaral. Sobrang tuwa at saya ng mga mag-aaral sa paglulunsad na ito ng Buwan ng Wika!

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan, nagkakaroon ng mga sari-saring gawain sa buong buwan ng Agosto para ipagmalaki ang pagiging Pilipino. Tuwing Huwebes ay nagsusuot ng Makabayan t-shirt kung saan ipinapakita ang iba't ibang magagandang tanawin sa Pilipinas bilang pagmamahal sa bansa. Marami ring ginagawa ang bawat baitang katulad ng Perya, KasPlay, Adarna Books Storytelling, Kulaysaysay, Paligsahan sa Paskilan, at I Love OPM. Nakatakdang magkaroon ng programa para sa pagpipinid ng Buwan ng Wika at Kasaysayan sa Agosto 30, 2016.

Kahit tapos na ang buwan ng Agosto, sana ay ipagpatuloy pa rin ng bawat isa ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating pagka-Pilipino.

-

 

 
 

EDSA corner P. Poveda St., Quezon City, Philippines      Tel.: +632 631 8756 to 58
© 2015 SAINT PEDRO POVEDA COLLEGE ALL RIGHTS RESERVED